Thursday, October 16, 2008

Sarah at Toni, takot sa bed scene!


  • SI Sarah Geronimo ang isa sa mga artistang babae na tutol na tutol o takot sa bed scene. Sabi nga ni Sarah, kahit anong mangyari ay hindi siya papayag na makipag-bed scene sa harap ng kamera.
  • Hindi naman daw kailangan `yon para kumita ang pelikula.
  • Ganiyan din ang paniniwala ni Toni Gonzaga, na hindi basehan ang pakikipag-bed scene para kumita ang pelikula.
  • Sobrang conservative nga ni Toni, at ngayon pa lang ay sinasabi na niya na never siyang papayag sa bed scene, sa kahit na sinong lalake sa harap ng kamera.
  • Kuwento pa ni Toni, kung sa kissing scene raw ay alinlangan na siya, mas lalo na raw sa bed scene.
  • Tulad ni Sarah, ang image nila bilang babae ang iniisip nila kung bakit hindi sila papayag na makipag-bed scene.
  • “Sa movie ko noon, may konting kissing scene, pero daya lang. Sa My Only U, hindi pa ako sure kung may kissing scene kami ni Vhong Navarro.
  • Pero kung puwedeng wala, sana huwag na lang,” sabi ni Toni.
  • Ganun din naman si Sarah sa movie nila ni John Lloyd Cruz, na buong ningning na nagsabi na ‘daya’ lang ang halik sa kanya ni John Lloyd.

Wednesday, October 15, 2008

Sam at Anne Dedmahan! sa set ng DYOSA


True ba ’to? Na sa set ng Dyosa, parang walang nakikita sina Sam Milby at Anne Curtis?
Nagdededmahan nga ba ang dalawa, pero pagdating ng take, ang galing nilang umarteng parang “sweet”?
Bakit nga ba sila nag-split? Ano’ng dahilan?
True ba na “imbiyerna” si Anne sa ibang friends ni Sam sa “fellowship” na inaatenan ng singer-actor?
’Pag na-sight namin ’tong si Anne, promise, itatanong namin ito, ha?

Joross at Valerie, biniktima rin ng staff ni Becky!

Nakatakdang magsampa ng kaso next week si Jennylyn Mercado at ang manager niyang si Becky Aguila laban sa isang staff na diumano’y nanloko at kumuha ng malaking halaga ng pera sa kanila.

Four years nang handler ni Jen si Rowena “Mel” Pulmano at tiwala na sa kanya ang young actress, kaya naman ipinagkakatiwala rito ang bank account at finances.

Pero recently, nadiskubre ni Jen na wala na siyang pera sa bangko at nagsipagtalbugan ang mga tseke niya na hindi niya in-issue.

Diumano, may nag-forge ng pirma ni Jen at ang handler ang pinaghihinalaang gumawa nito. Hindi lang si Jen, kundi maging ang isa pang alaga ni Tita Becky, si Joross Gamboa, natangayan din.

Hindi raw ibinigay ni Mel ang talent fee ni Joross sa isang out of town show, pati na ang downpayment sa isang show sa November na diumano’y nasa handler din.

Pati si Valerie Concepcion, nautangan din daw ng handler at ang sinabing nangungutang ay si Jen. Nagpautang naman si Val at ang mommy niya only to find out na wala naman palang sinasabi ang young actress.

Kaya si Jen, gulat na gulat nang malamang may utang pala siya kay Valerie.

Anyway, napapabalitang nagpa-interview ang handler sa isang talk show at diumano, may mga pinasabog itong kasiraan kay Tita Becky at sa dalawang alagang sina Jen at Angel Locsin. Personal naming kilala si Mel kaya tinawagan namin ito para makausap. Naloka lang kami dahil parang batang paslit ang kausap namin na kung anu-ano ang sinasabi’t parang wala sa sarili. Wala siyang malinaw na naisagot sa amin hanggang sa ipinasa na lang niya ang telepono sa iba na nagsabi naman sa aming huwag na naming kausapin at nai-stress na ito.

Samantala, hindi nababahala sina Tita Becky, Jen at Angel sa mga posibleng pasabog ng handler. Nakahanda raw sila sa necessary actions.

“Whatever she says now is irrelevant. Pretty obvious that it’s a desperate attempt to escape the problems she created. It’s useless to discuss this in public. There’s a proper venue for all these. We will see her in court,” ang statement na ipinadala sa amin ni Tita Becky.

Wowowee magmumulta



  • Natatandaan pa ba ninyo ang nangyari noon sa Wowowee, kung saan nang bunutin ni Willie Revillame ang isang numero sa isa nilang wheel ay kitang-kita ng mga tao na ang wheel pala na iyon ay may dalawang numero?
  • Nagkamali ng bunot si Willie, kaya nabukong dalawa pala ang numero sa isang wheel at pinagpistahan ‘yon hanggang sa You Tube at na-ging napaka-kontrobersiyal din. Nagkaroon ng im-bestigasyon ang Department of Trade and Industry, na noong una ay nagsabi pang muk-hang sa MTRCB daw da-pat pag-usapan ang nangyari dahil hindi nila ito sakop. Hanggang sa bandang huli ay inamin din ng DTI nasa jurisdiction nga nila ito.
  • Matapos ang halos isang taon, may desis-yon na ang DTI. Ayon sa kanila, nagkaroon talaga ng pagkakamali ang Wowowee at nalabag ni-la ang mga probisyon ng Consumers’ Protection Law.
  • Inuutusan nila ang ABS-CBN na magba-yad ng multa, kasabay ng iba pang mga sanction. Walang comment ang ABS-CBN tungkol sa mga bagay na ito. Malamang na pupunta sila sa korte para iapela ang de-sisyon ng DTI.
  • Punumpuno na ng kaso ang Wowowee. Sinampahan na rin sila ng demanda dahil doon sa mga namatay at mga na-saktan noong magkaro-on sila ng anniversary sa Ultra. Ngayon, dahil naman diyan sa pagkakaroon ng dalawang numero sa iisang wheel, may kaso na naman sila. May paliwanag na-mang lagi ang ABS-CBN sa mga nangyayaring ganyan. Sinabi nilang ‘honest error’ ang nangyari dahil mukhang ang nagkamali raw ay ang props men na gumawa ng kanilang ginagamit sa set.
  • Pero sino nga ba ang nagbigay ng ideya sa props men na gumawa ng isang wheel na puwede ang dalawang numero?
  • Hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari riyan.
  • Kung ito ngang mga namatay sa Ultra, hanggang ngayon ay wala pang nangyayari, diyan pa kaya sa dobleng numero lang? Mabagal ang hustisya sa Pilipinas at tanggapin na natin ang katotohanang iyan.

Monday, October 6, 2008

Roxanne, ayaw patalbog kay Angelica!


  • TOTOO ba na hanggang ngayon ay naiiyak pa rin si Roxanne Guinoo sa tuwing naalala niya ang rape scene niya sa Ligaw Na Bulaklak?
  • Sabi-sabi na parang na-trauma raw si Roxanne dahil masyadong naging makatotohanan ang rape scene na `yon sa kanya ni Marc Abaya.
  • Ayon sa PR ng ABS-CBN, totoo na umiyak nang husto si Roxanne habang ginagawa ang rape scene. Pero, pagkatapos daw ng eksena, at nagpalakpa­kan ang mga tao sa paligid, agad na nawala ang pag-iyak na `yon ni Ro­xanne.
  • Katunayan, napangiti pa raw si Roxanne habang pinupuri-puri ng mga tao ang pag-arte niya.
    Sabi pa, si Roxanne raw ang tipo ng artista na hindi mareklamo. Pagdating daw sa trabaho, game na game si Roxanne.
  • Tulad daw sa bagong show ng Dos na Banana Split, game na game raw si Ro­xanne sa pagpapaseksi. Na kahit halos lantad na lantad na ang katawan niya sa kabuuan ng taping nila, game na game pa rin ito.
  • Sabi pa nga raw ni Roxanne, kung hindi siya magpapaseksi, paano naman siya mapapansin. Eh, kung kasingseseksi na tulad nina Angelica Pa­nganiban, Cristine Reyes, Valerie Concepcion, Dianne Medina, Princess Ryan, RR Enriquez, hindi ka nga magpapahuli, dahil baka magmukha kang losyang.
  • Eh, siyempre, hindi magpapatalbog si Roxanne kina Angelica at Cristine, `no! Kumbaga, kung seksi sila, mas seksi raw si Roxanne!
  • Siyanga pala, sabi ni Dianne Medina, kung mabibigyan siya ng pagkakataon na paglaruan ang isang artista, si Dagul ang type niyang paglaruan. Natutuwa raw siya sa cute na si Dagul!
    “Masarap siyang laruin. Para siyang laruan!” sabi pa ni Dianne.

Jean, naeskandalo sa laplapang Polo at Joseph!


  • NAPATILI sa sobrang pagkaiskandalo si Jean Garcia nang mapanood niya ang rushes ng ‘halikan-laplapan’ ng rumored boyfriend niyang si Polo Ravales at Joseph Bitangcol sa digital movie na Walang Kawala na prodyus ng DMV Entertainment.
  • “Magkasama kami sa dubbing. Siyempre, pinu-forward `yung mga scenes para tumapat sa ida-dub mo.
  • “So, hindi maiwasang makita niya `yung mga eksena namin ni Joseph. Tili siya nang tili.
    “Ang lakas ng tili niya sa kissing scene namin ni Joseph!” kuwento ni Polo.
    Teka, ano ba ang naram­daman mo nung una kang nakipaghalikan kay Joseph?
  • WWala! Lalaki naman ako, eh!
    “Inisip ko na lang na trabaho ko ‘yon bilang artista!” tugon ni Polo.
  • Gaano ba katindi ang halikan na `yon? Totoo ba na may ‘dila sa dila’ silang ginawa?
  • “Si Joseph, kumawala ‘yung dila niya sa isa naming halikan! Ha! Ha! Ha!
  • “Ako, hindi!” sagot ni Polo.
  • Paano kung nag-enjoy pala si Joseph sa halikan nila?
  • “Bakit? Bading ba si Joseph? Hindi naman, ah!
  • “Mukha naman siyang lalaki! Ha! Ha! Ha!”
  • Wala ka ba talagang naramdaman sa halikan n’yo nga ni Joseph? Hindi ka ba nasarapan?
  • “Bakit ako masasarapan? Eh, pareho kaming lalaki! Mas masarap pa rin kahalikan ang babae! Ha! Ha! Ha!” tumatawang giit ni Polo.
  • Anyway, after na­ming mapanood ang trailer ng Walang Kawala na dinirek no Joel Lamangan at sinulat ni Eric Ramos, masasabi namin na mapangahas talaga ang halikan at lampungan nina Polo at Joseph!
  • At wala rin silang pakialam na ipakita ang kanilang puwet at bukol sa harapan!
  • Gay oriented ang Walang Kawala, pero a­yon kay direk Manny Valera, socially relevant ito at todo ang gastos nila rito, unlike ibang digital films na halatang tinipid ang paggawa!
    Kasama rin sa pelikula sina Emilio Garcia at Althea Vega.