- NAPATILI sa sobrang pagkaiskandalo si Jean Garcia nang mapanood niya ang rushes ng ‘halikan-laplapan’ ng rumored boyfriend niyang si Polo Ravales at Joseph Bitangcol sa digital movie na Walang Kawala na prodyus ng DMV Entertainment.
- “Magkasama kami sa dubbing. Siyempre, pinu-forward `yung mga scenes para tumapat sa ida-dub mo.
- “So, hindi maiwasang makita niya `yung mga eksena namin ni Joseph. Tili siya nang tili.
“Ang lakas ng tili niya sa kissing scene namin ni Joseph!” kuwento ni Polo.
Teka, ano ba ang naramdaman mo nung una kang nakipaghalikan kay Joseph? - WWala! Lalaki naman ako, eh!
“Inisip ko na lang na trabaho ko ‘yon bilang artista!” tugon ni Polo. - Gaano ba katindi ang halikan na `yon? Totoo ba na may ‘dila sa dila’ silang ginawa?
- “Si Joseph, kumawala ‘yung dila niya sa isa naming halikan! Ha! Ha! Ha!
- “Ako, hindi!” sagot ni Polo.
- Paano kung nag-enjoy pala si Joseph sa halikan nila?
- “Bakit? Bading ba si Joseph? Hindi naman, ah!
- “Mukha naman siyang lalaki! Ha! Ha! Ha!”
- Wala ka ba talagang naramdaman sa halikan n’yo nga ni Joseph? Hindi ka ba nasarapan?
- “Bakit ako masasarapan? Eh, pareho kaming lalaki! Mas masarap pa rin kahalikan ang babae! Ha! Ha! Ha!” tumatawang giit ni Polo.
- Anyway, after naming mapanood ang trailer ng Walang Kawala na dinirek no Joel Lamangan at sinulat ni Eric Ramos, masasabi namin na mapangahas talaga ang halikan at lampungan nina Polo at Joseph!
- At wala rin silang pakialam na ipakita ang kanilang puwet at bukol sa harapan!
- Gay oriented ang Walang Kawala, pero ayon kay direk Manny Valera, socially relevant ito at todo ang gastos nila rito, unlike ibang digital films na halatang tinipid ang paggawa!
Kasama rin sa pelikula sina Emilio Garcia at Althea Vega.
Monday, October 6, 2008
Jean, naeskandalo sa laplapang Polo at Joseph!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment