Monday, October 6, 2008

RUSTOM, ‘PANGIT’ NA BAKLA!


  • YUNG mga nanggaling sa Urian Awards the previous night ay gandang-ganda raw kay Rustom Padilla na dumating na naka-mujer.
  • Nung makita ko naman ang mga litrato ni Rustom sa mga diyaryo, eh hindi ako nagandahan kundi masuka-suka ako sa hitsura ng Ate-Kuya ni Robin Padilla!
  • Hindi siya mukhang babae kahit na tila may ipi­naayos na sa mukha niya (ilong ba?), mukha siyang gusgusing goon na nagdamit-babae lang!
  • Bruskong-brusko ang hitsura niya at mistulang nagbabakla-baklaan lang.
    Mas maganda pa nga si Michael V. at Ogie Alcasid sa pagiging babae nila sa Bubble Gang, huh!
  • Mahaba ang leeg ni Rustom na hindi pa plakado, super-tigas pa, hindi rin bagay sa kanya ang suot niya lalo na ang hairdo niya. Dapat may beautician si Rustom na siyang mamamahala sa magiging looks niya, hindi ‘yung siya pa rin ang nagdedesisyon sa magiging hitsura niya!
  • Pinlaster man lang sana yung adam’s apple niya nang hindi prominent at dapat, eh nakihalubilo muna si Rustom sa mga binabae ng Club Mwah para magkilos-babae man lang siya.
  • Oh, tingnan mo nga­yon ang sinusulat at sinasabi ng mga kafatid sa hanapbuhay, iba na ang anggulo nila. Kung dati eh nabulagan sila pagkakita nung gabi ng Urian si Rustom, ngayon ay diring-diri sila at pangit na talaga ang mga sinusulat!
  • Kesyo hindi na raw dapat nagdamit-babae pa si Rustom - sana raw ay ordinaryong damit na lang na may halong-pakembot-kembot na lang.
  • Tripleng-doble pa nga na mas babae sina Eric Quizon (uyyyyy!!!) at Epie Quizon sa “Markova” roles nila.
  • Ang sabi ni Rustom, ‘yung pagdadamit-babae raw niya ay bilang paghahanda sa ballet show na sa Pebrero pa naman gagawin (daw), but this early she’s trying to sink-in sa role niya.
  • Ang tinatanong at mas interesado ang karamihan ng mga bading ay ‘yung autobiography daw ni Rustom na isasapelikula niya, kung saan ibubuyangyang daw niya pati na mga pangalan ng mga nakarelasyon niya, lalake man at bakla.
  • Mas interesting daw ‘yun kesa anumang ballet show na balak ni Rustom gawin.
    Balitang-balita na mukhang hindi na itutuloy ni Rustom ang autobiography niya dahil matunog na matunog nga ang balitang binayaran si Rustom ng isang sikat na aktor na nakarelasyon niya ng malaking halaga na siya raw income ni Rustom sa ngayon.
  • Wala nga namang projects si Rustom kaya wala siyang income. Pero ‘yun daw ibinigay ng sikat na aktor kay Rustom ay sapat na until the said popular actor become has been!
    True or false? Don’t lie to me!!!!

No comments: