Wednesday, October 15, 2008

Wowowee magmumulta



  • Natatandaan pa ba ninyo ang nangyari noon sa Wowowee, kung saan nang bunutin ni Willie Revillame ang isang numero sa isa nilang wheel ay kitang-kita ng mga tao na ang wheel pala na iyon ay may dalawang numero?
  • Nagkamali ng bunot si Willie, kaya nabukong dalawa pala ang numero sa isang wheel at pinagpistahan ‘yon hanggang sa You Tube at na-ging napaka-kontrobersiyal din. Nagkaroon ng im-bestigasyon ang Department of Trade and Industry, na noong una ay nagsabi pang muk-hang sa MTRCB daw da-pat pag-usapan ang nangyari dahil hindi nila ito sakop. Hanggang sa bandang huli ay inamin din ng DTI nasa jurisdiction nga nila ito.
  • Matapos ang halos isang taon, may desis-yon na ang DTI. Ayon sa kanila, nagkaroon talaga ng pagkakamali ang Wowowee at nalabag ni-la ang mga probisyon ng Consumers’ Protection Law.
  • Inuutusan nila ang ABS-CBN na magba-yad ng multa, kasabay ng iba pang mga sanction. Walang comment ang ABS-CBN tungkol sa mga bagay na ito. Malamang na pupunta sila sa korte para iapela ang de-sisyon ng DTI.
  • Punumpuno na ng kaso ang Wowowee. Sinampahan na rin sila ng demanda dahil doon sa mga namatay at mga na-saktan noong magkaro-on sila ng anniversary sa Ultra. Ngayon, dahil naman diyan sa pagkakaroon ng dalawang numero sa iisang wheel, may kaso na naman sila. May paliwanag na-mang lagi ang ABS-CBN sa mga nangyayaring ganyan. Sinabi nilang ‘honest error’ ang nangyari dahil mukhang ang nagkamali raw ay ang props men na gumawa ng kanilang ginagamit sa set.
  • Pero sino nga ba ang nagbigay ng ideya sa props men na gumawa ng isang wheel na puwede ang dalawang numero?
  • Hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari riyan.
  • Kung ito ngang mga namatay sa Ultra, hanggang ngayon ay wala pang nangyayari, diyan pa kaya sa dobleng numero lang? Mabagal ang hustisya sa Pilipinas at tanggapin na natin ang katotohanang iyan.

No comments: