Showing posts with label Roxanne Guinoo. Show all posts
Showing posts with label Roxanne Guinoo. Show all posts

Monday, October 6, 2008

Roxanne, ayaw patalbog kay Angelica!


  • TOTOO ba na hanggang ngayon ay naiiyak pa rin si Roxanne Guinoo sa tuwing naalala niya ang rape scene niya sa Ligaw Na Bulaklak?
  • Sabi-sabi na parang na-trauma raw si Roxanne dahil masyadong naging makatotohanan ang rape scene na `yon sa kanya ni Marc Abaya.
  • Ayon sa PR ng ABS-CBN, totoo na umiyak nang husto si Roxanne habang ginagawa ang rape scene. Pero, pagkatapos daw ng eksena, at nagpalakpa­kan ang mga tao sa paligid, agad na nawala ang pag-iyak na `yon ni Ro­xanne.
  • Katunayan, napangiti pa raw si Roxanne habang pinupuri-puri ng mga tao ang pag-arte niya.
    Sabi pa, si Roxanne raw ang tipo ng artista na hindi mareklamo. Pagdating daw sa trabaho, game na game si Roxanne.
  • Tulad daw sa bagong show ng Dos na Banana Split, game na game raw si Ro­xanne sa pagpapaseksi. Na kahit halos lantad na lantad na ang katawan niya sa kabuuan ng taping nila, game na game pa rin ito.
  • Sabi pa nga raw ni Roxanne, kung hindi siya magpapaseksi, paano naman siya mapapansin. Eh, kung kasingseseksi na tulad nina Angelica Pa­nganiban, Cristine Reyes, Valerie Concepcion, Dianne Medina, Princess Ryan, RR Enriquez, hindi ka nga magpapahuli, dahil baka magmukha kang losyang.
  • Eh, siyempre, hindi magpapatalbog si Roxanne kina Angelica at Cristine, `no! Kumbaga, kung seksi sila, mas seksi raw si Roxanne!
  • Siyanga pala, sabi ni Dianne Medina, kung mabibigyan siya ng pagkakataon na paglaruan ang isang artista, si Dagul ang type niyang paglaruan. Natutuwa raw siya sa cute na si Dagul!
    “Masarap siyang laruin. Para siyang laruan!” sabi pa ni Dianne.

Monday, September 29, 2008

Screen siren Roxanne Guinoo is not comfortable with her sexy image


  • Young screen siren Roxanne Guinoo is not comfortable with the sexy image. Although hindi maikakaila na nagkaroon ng sigla ang career ng Star Circle Quest discovery when she agreed to don a red two-piece as the new White Castle girl and eventually agreed to essay daring roles on TV like the ones in Palos and the current Ligaw na Bulaklak.
  • Nai-confess sa amin ng dating girlfriend nina Joross Gamboa at Jake Cuenca na madalas mag-worry ang parents niya sa career path ng kanilang anak. “Minsan tatanungin ako ng mom ko, ‘Bakit ganyan na ngayon ang binibigay sa ‘yo? Baka mamaya saan na papunta ang career mo.’ Ina-assure ko sila na hindi, basta maniwala lang sila sa akin. ‘Hindi, ‘Ma, ang desisyon sa akin pa rin.’ Trusted ko naman sina Tita Mariole (Alberto of Star Magic), na sexy yung image ko pero hindi naman malaswa. Kung sexy man may halong drama like Ligaw o kaya comedy tulad ng Banana Split (a first of its kind on Philippine television – an all-girls gag show).”
  • Ang huling Maxim cover ni Roxanne na seksing-seksi ay ginawa daw niya to help support her own afternoon soap Ligaw na Bulaklak. Pakiramdam daw ni Roxanne parang kelan lang siya naging ganap na artista when she was finally given good breaks. It helps na open-minded si Roxanne sa show biz game. “Feeling ko hindi ako magiging confident kasi mas marami minsan yung criticisms kesa dun sa pinupuri ka. Nagiging challenge yun for me. Yun ang nagiging motivation ko para i-prove yung sarili ko.
  • “Matira matibay talaga sa business na ‘to. Kung hindi mo titiyagain, kung hindi ka magsisikap, hindi ka talaga magtatagal.”
  • Nami-msis ba niya ang pagkakaroon ng loveteam? “Masarap ang may ka-love team kasi dalawa kayong nagsusuportahan. Mahirap din naman kasi umangat nang ikaw lang din talaga.”
    Ang usual predicament ng mga love team, when the pairing goes away, isa ang nagsa-suffer at mostly ang lalaki yun. Mukhang ito nga ang nangyari kina Roxanne at Joross. Sa ngayon kasi, mas visible sa limelight si Roxanne kesa sa dating nobyo. “Nung time na naghiwalay kami ni Joross, alam naman ng mga tao na siya talaga yung ahead kung career ang pag-uusapan,” balik-tanaw ng dalaga.
  • Ayaw niyang sumang-ayon na mas angat na siya kay Joross ngayon pero pinagdiinan ni Roxanne na pinaghirapan niay kung anuman ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon. “Patience eh. At siyempre yung ila-love mo yung trabaho. Good karma sa tingin ko ang nangyari. Ang dami kong pinagdaanan, pati mga personal problems na ang nakakaalam lang pamilya ko at trusted friends ko.”
Mas realistic na raw ang pananaw niya sa career at maging sa pag-ibig after two heartaches. Although nali-link si Roxanne sa TV director na si GB Sampedro ng Boy and Kris, mas gusto raw niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang career. “Kahit sa relationships, dapat malawak ang pag-unawa mo. Dapat marunong kang tumanggap. Kahit ipilit mo sa sarili mo if hindi yan for you, eto lang ang binigay sa ’yo ni Lord wala kang magagawa. Umabot na ‘ko sa point na ganyan. Now I’ve learned to live with kung ano ang ibinigay sa akin.”

Sunday, September 28, 2008

Valerie, tinawag na ‘corny’ ni Cristine!


Prangkahang sinabi ni direk Bobot Mortiz, na ang seksing katawan ang pangunahing ikinunsider sa pagpili ng mga bidang babae sa Banana Split.
At kung alindog din lang ang pag-uusapan, nangunguna na raw diyan sina Angelica Panga­niban at Cristine Reyes. Eh, samahan mo pa ng Roxanne Guinoo, at Vale­rie Concepcion, na seksi pa rin ngayon kahit may anak na.
Pero, nilinaw ni direk Bobot na hindi sex-co­medy ang Banana Split.
“Naughty lang. Kung mapapansin niyo, hindi naman ‘yung dahil sexy lang sila, ‘yun ang co­medy namin. Maganda rin ang mga material namin, at acting din talaga nila ang ipinakita nila.
“Hindi namin ginamit ang kaseksihan nila para magpatawa. Siguro, ‘yung title namin ang sexy,” sabi ni direk Bobot.
Ang Banana Split nga raw ay pinagsama-samang Goin’ Bana­nas, Tropang Trumpo, at Goin’ Bulilit.
Sabi nga ni direk Bobot, sa Goin’ Bananas nila noon ay hindi naman nila ipinakita na mga komed­yante sila, kundi mga aktor sila, na gumagawa ng komedi.
Sabi-sabi na kapag ganitong tema ng show, na nagsama-sama ang mga magagandang babae, hindi naiiwasan ang away. Pero, iginiit ni Angelica na ngayon pa lang, na kahit tatlong episode pa lang ang nagagawa nila, magkakaibigan na ang turingan nila sa isa’t isa.
“Kapag may nag-away po sa amin, magpapa-presscon po kami. Ha! Ha!
Ha! Ha!” saad pa ni Ange­lica.
Kasali rin sa Banana Split sina Princess Ryan, na kinaiinggitan ni Angelica ang magandang katawan, pati na si Dianne Medina, na makinis ang balat.
Hindi nga rin pahuhuli ang dalawa kung pagandahan at paseksihan ang pag-uusapan.
Nagkataon nga lang na mas may pangalan sina Cristine, Angelica, Roxanne at Va­lerie sa kanila.
Siyanga pala, kung si Piolo ang type paglaruan ni Angelica, si Vhong Navarro naman ang gustong laruin ni Cristine, si Dagul naman ang kay Dianne, at si Empoy naman kay Princess.
Pero, para kay Cristine, sa mga kasamahan niya ay kina RR Enriquez at Valerie siya natatawa.
“Si RR kasi, tingnan mo pa lang, nakakatawa na. Si Valerie naman, sa hirit niya, hindi talaga nakakatawa. Pero, matatawa ka sa ka-corny-han niya.
Ha! Ha! Ha! Ha!
“Hindi ko siya sinisiraan. Sinasabi ko lang ang katotohanan! Ha! Ha! Ha!
Ha!” hirit ni Cristine.
Para naman kay Angelica, kay Cristine siya mas natatawa.
“Tingin ko pa lang sa mukha ni Cristine, natatawa na ako. ‘Yung itsura niya, napakabaliw, eh.
“Si Valerie naman, naging malas lang siya, kasi ‘yung nabibigay sa kanya na mga punchline, hindi talaga nakakatawa. Pero, tatawa ka na lang din.
Ha! Ha! Ha! Ha!” pahayag naman ni Angelica.
Anyway, hindi naman siguro dahil promo ng Banana Split, pero ipinagmalaki nina Angelica, Cristine, Princess at Dianne, na pare-pareho silang mahilig sa saging. Kahit araw-araw raw silang pakainin ng saging ay hindi sila nagsasawa.