- Young screen siren Roxanne Guinoo is not comfortable with the sexy image. Although hindi maikakaila na nagkaroon ng sigla ang career ng Star Circle Quest discovery when she agreed to don a red two-piece as the new White Castle girl and eventually agreed to essay daring roles on TV like the ones in Palos and the current Ligaw na Bulaklak.
- Nai-confess sa amin ng dating girlfriend nina Joross Gamboa at Jake Cuenca na madalas mag-worry ang parents niya sa career path ng kanilang anak. “Minsan tatanungin ako ng mom ko, ‘Bakit ganyan na ngayon ang binibigay sa ‘yo? Baka mamaya saan na papunta ang career mo.’ Ina-assure ko sila na hindi, basta maniwala lang sila sa akin. ‘Hindi, ‘Ma, ang desisyon sa akin pa rin.’ Trusted ko naman sina Tita Mariole (Alberto of Star Magic), na sexy yung image ko pero hindi naman malaswa. Kung sexy man may halong drama like Ligaw o kaya comedy tulad ng Banana Split (a first of its kind on Philippine television – an all-girls gag show).”
- Ang huling Maxim cover ni Roxanne na seksing-seksi ay ginawa daw niya to help support her own afternoon soap Ligaw na Bulaklak. Pakiramdam daw ni Roxanne parang kelan lang siya naging ganap na artista when she was finally given good breaks. It helps na open-minded si Roxanne sa show biz game. “Feeling ko hindi ako magiging confident kasi mas marami minsan yung criticisms kesa dun sa pinupuri ka. Nagiging challenge yun for me. Yun ang nagiging motivation ko para i-prove yung sarili ko.
- “Matira matibay talaga sa business na ‘to. Kung hindi mo titiyagain, kung hindi ka magsisikap, hindi ka talaga magtatagal.”
- Nami-msis ba niya ang pagkakaroon ng loveteam? “Masarap ang may ka-love team kasi dalawa kayong nagsusuportahan. Mahirap din naman kasi umangat nang ikaw lang din talaga.”
Ang usual predicament ng mga love team, when the pairing goes away, isa ang nagsa-suffer at mostly ang lalaki yun. Mukhang ito nga ang nangyari kina Roxanne at Joross. Sa ngayon kasi, mas visible sa limelight si Roxanne kesa sa dating nobyo. “Nung time na naghiwalay kami ni Joross, alam naman ng mga tao na siya talaga yung ahead kung career ang pag-uusapan,” balik-tanaw ng dalaga.
- Ayaw niyang sumang-ayon na mas angat na siya kay Joross ngayon pero pinagdiinan ni Roxanne na pinaghirapan niay kung anuman ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon. “Patience eh. At siyempre yung ila-love mo yung trabaho. Good karma sa tingin ko ang nangyari. Ang dami kong pinagdaanan, pati mga personal problems na ang nakakaalam lang pamilya ko at trusted friends ko.”
Mas realistic na raw ang pananaw niya sa career at maging sa pag-ibig after two heartaches. Although nali-link si Roxanne sa TV director na si GB Sampedro ng Boy and Kris, mas gusto raw niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang career. “Kahit sa relationships, dapat malawak ang pag-unawa mo. Dapat marunong kang tumanggap. Kahit ipilit mo sa sarili mo if hindi yan for you, eto lang ang binigay sa ’yo ni Lord wala kang magagawa. Umabot na ‘ko sa point na ganyan. Now I’ve learned to live with kung ano ang ibinigay sa akin.”
No comments:
Post a Comment