SI Sarah Geronimo ang isa sa mga artistang babae na tutol na tutol o takot sa bed scene. Sabi nga ni Sarah, kahit anong mangyari ay hindi siya papayag na makipag-bed scene sa harap ng kamera.
Hindi naman daw kailangan `yon para kumita ang pelikula.
Ganiyan din ang paniniwala ni Toni Gonzaga, na hindi basehan ang pakikipag-bed scene para kumita ang pelikula.
Sobrang conservative nga ni Toni, at ngayon pa lang ay sinasabi na niya na never siyang papayag sa bed scene, sa kahit na sinong lalake sa harap ng kamera.
Kuwento pa ni Toni, kung sa kissing scene raw ay alinlangan na siya, mas lalo na raw sa bed scene.
Tulad ni Sarah, ang image nila bilang babae ang iniisip nila kung bakit hindi sila papayag na makipag-bed scene.
“Sa movie ko noon, may konting kissing scene, pero daya lang. Sa My Only U, hindi pa ako sure kung may kissing scene kami ni Vhong Navarro.
Pero kung puwedeng wala, sana huwag na lang,” sabi ni Toni.
Ganun din naman si Sarah sa movie nila ni John Lloyd Cruz, na buong ningning na nagsabi na ‘daya’ lang ang halik sa kanya ni John Lloyd.
1 comment:
Anonymous
said...
Good fill someone in on and this mail helped me alot in my college assignement. Gratefulness you as your information.
1 comment:
Good fill someone in on and this mail helped me alot in my college assignement. Gratefulness you as your information.
Post a Comment