Showing posts with label Sarah Geronimo. Show all posts
Showing posts with label Sarah Geronimo. Show all posts

Thursday, October 16, 2008

Sarah at Toni, takot sa bed scene!


  • SI Sarah Geronimo ang isa sa mga artistang babae na tutol na tutol o takot sa bed scene. Sabi nga ni Sarah, kahit anong mangyari ay hindi siya papayag na makipag-bed scene sa harap ng kamera.
  • Hindi naman daw kailangan `yon para kumita ang pelikula.
  • Ganiyan din ang paniniwala ni Toni Gonzaga, na hindi basehan ang pakikipag-bed scene para kumita ang pelikula.
  • Sobrang conservative nga ni Toni, at ngayon pa lang ay sinasabi na niya na never siyang papayag sa bed scene, sa kahit na sinong lalake sa harap ng kamera.
  • Kuwento pa ni Toni, kung sa kissing scene raw ay alinlangan na siya, mas lalo na raw sa bed scene.
  • Tulad ni Sarah, ang image nila bilang babae ang iniisip nila kung bakit hindi sila papayag na makipag-bed scene.
  • “Sa movie ko noon, may konting kissing scene, pero daya lang. Sa My Only U, hindi pa ako sure kung may kissing scene kami ni Vhong Navarro.
  • Pero kung puwedeng wala, sana huwag na lang,” sabi ni Toni.
  • Ganun din naman si Sarah sa movie nila ni John Lloyd Cruz, na buong ningning na nagsabi na ‘daya’ lang ang halik sa kanya ni John Lloyd.

Wednesday, October 1, 2008

Kim at Sarah, hiraman ng damit


  • Si Paolo Pineda ang photographer ng mga contract star ng Star Magic sa 2009 Catalogue na mabibili sa halagang P130.
  • Si Elvin Vivas ang resident photographer ng Belo Medical Group at siya ang photographer ni Sarah Geronimo nang mag-perform ito sa Venetian Ball ng BMG sa Makati Shang­ri-la Hotel noong August 8, 2008.
  • Ang litrato ni Kim Chui sa catalogue ang aming napansin dahil pamilyar ang Rajo Laurel gown na ginamit niya sa pictorial.
  • Si Rajo din ang designer ng gown na isinuot ni Sarah sa Venetian Ball.
    Magkaparehong-magkapareho ang tela at design ng mga gown nina Kim at Sarah.
  • Puwedeng isipin na naghiraman sila ng damit at si Kim ang nanghiram dahil nauna si Sarah sa paggamit ng black gown with floral prints.
nakakaloka !

Tuesday, September 30, 2008

Sarah Geronimo Covers Preview Magazine October 2008 Issue

  • Philippines pop princess Sarah Geronimo graces the cover of Preview Magazines' October 2008 issue - her first-ever cover for any major glossy.

  • Dramatic eye makeup and stunning coats from Burberry London's Autumn-Winter collection—flown in especially for this shoot—transform Sarah into a stunning sophisticate with a Goth chic edge.

  • It may be a departure from the Sarah everyone is used to, but there are many subtle changes happening in her career. For one, Sarah is slowly blossoming into the 20-year-old that she is.

  • Her new album Just Me... Sarah offers a different sound.Her hard work has obviously paid off: her most recent movie A Very Special Love is a certified box-office hit. Success in both singing and acting is a rare feat for any artist Sarah's age, and there isn't anyone quite like her in the industry today.

  • Read more about Sarah Geronimo in the October 2008 issue of Preview Magazine, now available in newsstands, bookstores, and supermarkets nationwide at P125 per copy.

Monday, September 29, 2008

Henry Sy, todo-suporta kay Sarah




  • DINAGSA ng fans ang show at autograph signing ni Sarah Geronimo sa Music Hall ng SM Mall of Asia nu’ng Linggo ng hapon.

  • Hindi magkamayaw ang followers ng dalaga dahil naging special guest niya ang visiting Backstreet Boys member na si Howie Dorough, na isang linggo nag-stay sa ’Pinas.

  • Nag-duet ang dalawa ng single na I’ll Be There mula sa bagong album ni Sarah sa Viva Records na Just Me.

  • Siyempre, nasa audience rin ang mga magulang ng Pop Princess, pati na ang manager nitong si Viva big boss Vic del Rosario, composer na si Christian de Walden, ang misis ni Howie D. at ang SM magnate na si Henry Sy.

  • Sabi ng isang eyewitness, avid supporter ni Sarah si Mr. Sy dahil lagi itong present sa SM shows niya hitsura nang naka-wheelchair na.

  • Samantala, ayon kay Sarah, dream come true talaga ang pakikipag-duet niya kay Howie, dahil big fan siya ng Backstreet Boys.

  • Si Howie naman, feeling honored na nakatrabaho si Sarah. Ang background daw nito ay ni-research pa niya sa Internet.

  • Dagdag niya, si De Walden ang nagparating ng offer ng Viva sa kanya, na agad naman niyang tinanggap.

  • Anyway, hindi nagtagal si Howie at ang misis nito sa Mall of Asia dahil kinailangan na nilang dumiretso sa airport para sa flight nila pabalik ng Tate.

Friday, September 26, 2008

Howie Dorough ng Backstreet Boys, aliw na aliw kay Sarah!


SINO raw itong foreigner na madalas ka-date ni Sarah Geronimo ngayon?
Well, busy nga si Sarah ngayon, dahil madalas niyang ka-date, este, kasama ang America’s singing heartthrob na si si Howie Dorough ng Backstreet Boys.
Nandito nga sa Pilipinas si Howie para sa promo ng I’ll Be There, ang carrier single ng latest album ni Sarah na Just Me under Viva Records.
Kuwento ng mga kasama ni Howie, na-impressed daw si Howie kay Sarah nang i-record nila ang kantang I’ll Be There sa Los Angeles. Kaya ginusto niyang magpunta sa Pilipinas para tumulong sa promo ng album nila.
Anyway, kuwento naman ng mga kasama ni Sarah, madali raw na naging comfortable ang dalawa kay Howie. Mabait daw kasi si Howie kay Sarah.
Siyanga pala, busy rin si Sarah ngayon sa paghahanda sa concert niya sa Araneta Coliseum sa November 8, ang The Next One concert.
At ngayon pa lang, paubos na raw ang tiket nito. Katulad din daw ng mabentang album ni Sa­rah, na magu-gold na.
Sa mga fans ni Sa­rah, puwede niyo siyang makasama ngayon sa Mall of Asia. Ang Belo Essential, Myx, PBO, VIVA Prime, OPM Online at Information G ang major sponsors ng concert ni Sarah.