Wednesday, October 1, 2008

‘Greatest Love’ nina Kris at Cory, naka-gold na!


  • BONGGA si Kris Aquino, dahil certified gold na agad ang kanyang bagong album na Greatest Love, na tribute niya sa nanay niyang si Cory Aquino, at sa lahat ng nanay sa buong mundo.
  • Aba, kahit hindi kumakanta si Kris, sinusuportahan ng mga fans niya ang album niya. Kunsabagay, sino ba naman ang hindi bibili ng album, kung puro magagan­da naman ang kanta, at mahuhusay na singer na tulad nina Regine Velasquez, Lani Misalucha,
    Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Billy Crawford, at Jed Madela ang mariri­nig mo.
  • Eh, kapag bumili ka ng album, siguradong makakatulong ka pa, dahil mapupunta sa RMH Hope Foundation ang ilang porsiyento ng benta ng album.
  • Siyanga pala, iri-release rin sa Singapore, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Indonesia at Malaysia ang album ni Kris.

1 comment:

Anonymous said...

wow! makabili nga ng copy na yan..