- Mag-isa na lang palang namumuhay si Bianca King dito sa Pilipinas. Sa kuwento ni Bianca, bumalik na sa Canada ang kanyang parents para doon manirahan, dalawang linggo na ang nakakaraan.
- Inamin ni Bianca na siya ang gumastos sa pagpunta ng kanyang parents sa Canada.
- Canadian ang tatay ni Bianca, kaya puwedeng-puwede itong manirahan sa Canada. Gusto na rin daw ng tatay ni Bianca na ang gobyerno ng Canada ang siyang tumustos sa pagtanda nito.
- Pagkakataon na rin daw ito ng kanyang ina na asikasuhin ang kanyang citizenship. Plano na rin ng kanyang nanay na maghanap ng trabaho roon para mas guminhawa ang kanilang buhay.
- Siyempre, malungkot si Bianca na malayo na sa kanya ang kanyang parents. Pero, wala raw siyang magagawa, na kahit ayaw niyang iwanan siya ng mga ito, kailangan nilang gawin `yon para na rin sa kanilang kinabukasan.
- Sa ngayon, scholar si Bianca sa College of St. Benilde. Artistic Scholar daw ang klase ng scholarship na ibinigay sa kanya ng St. Benilde.
- Ipinagmalaki ni Bianca na consistent dean’s lister siya. Na kahit nagsu-showbiz siya, hindi niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral ng Filmmaking. Nasa 3rd year na sa college si Bianca ngayon.
- Pag-amin ni Bianca, mahihirapan siyang mag-aral kung hindi siya binigyan ng scholarship ng St. Benilde.
- Prangkahang sinabi ni Bianca na hindi sapat ang kinikita niya sa showbiz para tustusan ang kanyang edukasyon. Lalo na at natatagalan daw bago siya magkaroon ng regular show, kaya mahina talaga ang kita niya sa showbiz.
- Nagpapasalamat na lang si Bianca dahil may mga kumukuha sa kanya na mag-host sa iba’t ibang lugar, kaya nakakaraos siya sa buhay.
- Sabi ni Bianca, mas gusto niya na maging producer sa TV o sa pelikula, o magsulat ng script, kesa umarte sa harap ng kamera, balang araw.
- Kaya, huwag na tayong magtaka kung makikita natin si Bianca na nagtatrabaho sa likod ng kamera sa ilang show ng GMA 7, isa sa mga araw na ito.
No comments:
Post a Comment