Friday, October 3, 2008

“6 inches lang, pero maluphet!” -- John Prats


  • NAINTRIGA ang mga malilisyosong manunulat sa mga linyang binitawan ni John Prats sa presscon ng Tiny Tony ng ABS-CBN 2.
  • “6 inches lang, pero maluphet!” sabi ni John.
  • Siyempre, nagkatinginan ang mga bading na manunulat, at gumana na ang kanilang imahinasyon, sa sinabing `yon ni John.
  • Pero, hindi naman dapat maglaro o bigyan ng malisya ang sinabing `yon ni John, dahil ang tinutukoy niyang 6 inches ay ang karakter niyang si Tiny Tony.
  • Sa Tiny Tony nga ay anim na pulgada lang ang sukat ni John, pero maluphet daw siya, lalo na sa pagtatanggol sa mga naapi.
  • Anyway, kasama rin sa Tiny Tony sina Alex Gonzaga, Coco Martin, Mura, Susan Africa at Gerard Acao. Mula ito sa direksyon ni Dondon Santos.
  • Para sa iba pang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com. At http://komikspresents.multiply.com.

No comments: