- NAAKSIDENTE si Joyce Jimenez nung Lunes ng madaling araw sa Urdaneta, Pangasinan.
- Apat na beses bumaligtad ang sinasak-yan niyang SUV (Toyota 4Runner) dahil sa pag-iwas sa makakasalubong na trak.
- Kagagaling lang ni Joyce sa Baguio para sa taping doon. Pauwi na siya ng Maynila nang mangyari ang aksidente.
- Natutulog si Joyce sa bandang harapan ng kanyang sasakyan nang mapansin ng driver ang mabilis na takbo ng trak na kanilang makakasalubong.
- Mabuti na lang at naka-seatbelt ang aktres at kaagad na nag-deploy ang airbag ng sasakyan kaya naiwasan ang matinding pinsala.
- Nagtamo ng mga sugat sa mukha at katawan si Joyce. Unconscious siya habang itinatakbo sa Medical City (Pasig).
No comments:
Post a Comment