Friday, September 26, 2008

Angelica Panganiban hindi hihinto sa ‘pagbuyangyang’


Wahtever
By: Tonee Coraza
WALA raw sinasabi si Angelica Panganiban na hihinto na siya sa pagpapa-sexy ngayong nagkabalikan na sila ng kasintahang si Derek Ramsay.
Naiintindihan naman daw ni Derek ang pagpapa-sexy niya kaya hindi ito isyu sa kanila.
Sa katunayan, super- sexy siya sa bagong gag show na Banana Split kung saan kasama niya ang mga sexy ring sina Cristine Reyes, Roxanne Ginoo at Valerie Concepcion. Hindi tulad noon sa gag show na Goin’ Bananas na puro lalaki ang cast, puro girls naman sila rito. At ang guests nilang mga lalaki ang ‘paglala-ruan’ nila this time like John Lloyd Cruz, Diether Ocampo, Jake Cuenca at Zanjoe Marudo.
Hindi pa niya alam kung kailan magge-guest ang kanyang BF na si Derek, pero okey lang daw na ‘pagtripan’ ito ng mga ka-samahan niyang girls sa show.
May natutuhan daw siya nang pansamantalang naghiwalay sila ni Derek noon. Na-realize niya kung gaano ka-importante ang BF sa kanya, at hindi na siya papayag na magkahiwalay pa sila ulit.
Siguro raw ay masaya ‘yung mga taong nang-intriga sa kanila nang hus-to ni Derek noon kaya nag-split sila.

No comments: